Saturday, June 12
Mensahe
Sana mapatawad mo ako sapagkat hindi ako pumapasok sa away na hindi ko naman kagustuhan. Mayabang man ako, marunong din akong magpakumbaba lalo na kung alam ko na ako ang may kasalanan. Marahil maiinis ka sa mensahe kong ito sapagkat tila peke at nangiinis dahil sa tono ng aking pananalita, ngunit maniwala ka man o hindi, lungkot at marahil luha ang nadama ko habang isinasantabi ang aking dangal bilang isang tao at kaibigan. Pagpasensyahan mo ako kung pinalaki ko pa ang pangyayaring ito sapagkat hindi ako naniniwala na tamang ipagsangtabi ang mga away nang wala naman napagkasunduang katapusan. Siguro lalo akong nagmumukhang mayabang dahil masginusto ko pang suyuin ka kaysa sa kalimutan na lamang ang lahat, ngunit hindi ko kayang kalimutan ang aking mga paniniwala...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment